TAHAN NA


By ecka

Sabi nila,

Kumaen ka ng tsokolate

Para sumaya ka.

Tinira ko ang isang pack ng Kisses

Pero wala akong maramdamang kakaiba.

Mga paulit na pagtatalo

Mula sa simple hanggang sa komplikado

Mga sumbatang tila wala ng katapusan

Masasakit na salitang nagiging latay sa puso’t isipan

Hanggang sa umabot sa nakakasawang kasanayan

Hindi pagkakaintindihan

Pagpapairal ng pride sa katawan

Marahil ay posibleng dahilan

Para maglaho ang mga sakripisyo,

Pangako at paninindigan

Hindi ka nagkulang

Marahil ay sumobra lamang ako

Sa pag aakalang nagkakapareho tayo

Iba ang pananaw mo sa pananaw ko

Iba rin ang pag aakala ko sa mga isasagot mo.

Malakas ang loob ko

Kompiyansa sa sarili

Mahal mo ako

Pero bakit mo hahayaang magkaganto?

Sapat na bang sabihin mong yan ang ginusto mo.

Nagbabakasakaling paglisan ko ay pigilan

Bawat sabihi’y nag-aabang ng kasunod na lambing

Tila ba’y hindi makahalata at manhid na sa nakagawian

Marahil tulad ko ika’y sawa naring magtiis

Kaya’t minabuti mo naring sumang-ayon saking pag-alis.

Tulala’t maliwanag pa sa isipan

salitang dapat sana’y di na namutawi pa

Mabigat na dibdib, namumugtong mga mata

Mga bulong sa isipan na tila ba’y nagsasabing:

“Mika tahan na, Tama na.”

Notes